Huwebes, Hunyo 7, 2012

Nangarap, natupad, patuloy kaya? .... muling ipinagpapatuloy.


I wrote this a year ago sa ibang site. pero halos a year din naman akong tumigil. maybe this time or I hope this time mawala na sa vocabulary ko ang salitang nakakatamad pa magsulat. :)

   
NANGARAP, NATUPAD, PATULOY KAYA?
  minsan na akong nangarap na magpost ng magpost ng magpost pero di pwede. actually sa pagkakaalam ko 1 year nako’t higit nasa tumblr, sa blogger, etc. etc. pero walang nagtatagal.

     kahapon nagsimula na akong magpaka feeling active sa tumblr, pero di ko alam kung hahayaan ba ng mga kamay ko na mag type ng mga letra sa computer o mas pipiliin nito na humawak ng ballpen at magsolve ng mga math problems. isang taon narin namang pinili ng kamay ko ang ballpen, di na siguro masama na minsan sa free time ko ay magtype ako di para sa Lab report kundi para sa ibang aspeto ng buhay. aspetong hindi kailangan ng analysis, kundi ng inspirasyon at imahinasyon.

    tignan natin kung magtatatagal ba ako sa bagong mundong sinusubukan kung buhayin. kung makakaya ba ng mundong iniikutan ko na makipaglaro at makiikot sa mundong imahinasyon ang puhunan.

hanggang dito na muna, sana lang, sana talaga MUNA lang at hindi hanggang dito na lang.:D BOW.!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento