Nang-iwan, iniwan, gustong umalis, gusto manatili. Maraming circumstances pero they are all standing on the same line. LOVE.
GUSTO MANATILI.
Who doesn't want a relationship to last long? All of us mapalalaki man o babae, binabae o nilalake. Lahat tayo nangangarap ng isang pangmatagalang relasyon, yung bang pang forever. And we often tend to stick with this dream, and so stick with our partners. Ang tanong. Nagmamahalan pa ba? Minamahal ka pa ba? Mahal mo pa ba? o Sayang lang ang mga ORAS at PANAHON niyo na magkasama?
GUSTONG UMALIS.
Kahit gaano mo man sabihin na You want it to last long, last forever. There will come a time na gustong gusto mo magmove on. You want to live anew. Live a life without the person you used to have. Anong dahilan? Nagsawa ka? nasasaktan ka na? nasasaktan mo na? may mahal kang iba? O sadyang namiss mo lang maging single? Ano man ang dahilan. Whatever is the outcome of your decision the result should always be TRUE happiness. Kasayahang di pilit, kasayahang di nahuhusgahan, kasayahang sayo.
INIWAN.
Madalas sa mga iniwan, lumuluha. Pero luha ba to ng kaligayahan o luha ng pusong durog? Minsan sa una mararamdaman mo ang kalungkutan tsaka mo lang marerealize na " this is my fate , mas naging masaya ako nung inwan ako. " Minsan naman pilit mong sinasabi sa sarili mo na " I am fortunate na iniwan ako ." pero at the end di mo rin makukubli na sobrang gusto mong magmakaawa para balikan ka. Alin man ang dahilan ng luha mo, luha parin yan. Tears. It came from feelings, totoo man o hindi. Pero para sa mga taong iniwan at di binalikan, baka naman may nakalaan na magbibigay ng authentic happiness. Ang iba naman na iniwan at binalikan dahil sa awa, huwag pasisiguro dahil anytime puede parin kayong iwan. at para naman sa mga taong iniwan ngunit binalikan, maging masaya ka na, dahil di lahat binabalikan.
NANGIWAN.
Sa isang relasyon, ang nangiwan ang siyang laging masama. Walang konsensya, at walang tunay na pagmamahal. Yes, maybe you can doubt the heart, the actions, but never the feelings. No matter if it is true or not, feelings are feelings and no one has the right to doubt its authenticity. Dahil wala kayo sa sitwasyon niya, wala kayo sa kinalalagyan niya, and therefore wala kayong alam sa tunay na pinagdaanan ng taong nangiwan. Some may argue that they experienced the same, pero hindi. You may experience some of the experiences but you will never experience exactly the same. May mga bagay na siguro maiintindihan mo, pero siguradong may mga bagay na ang taong nangiwan lang ang makakaintindi. There are just things you have to let go, people you have to give up for an absurd reason. FEELINGS.
Lahat ng tao nagmamahal, lahat nasasaktan, lahat nakakaramdam ng saya, pero di lahat nagtatagal. Some people are afraid to take risk when it comes to love, some people are always taking risk. But for me, if I am not certain, heart cannot dictate.
- <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento